Wednesday, November 25, 2009

Di na ko nadala!

Napahamak na naman ako, kagabi! Sa pagnanais bigyan ng ikalawang pagkakataon ang taong ito na ipakita saking seryoso sya at kaya nyang panindigan ang kanyang mga pangako at mga salita, nabigo ako ng bonggang bongga!

Sa ikalawang pagkakataong iyon, sa parehong lugar, parehong oras, ngunit sa pagkakataong iyon, kami lamang dalawa. Nagsimula sa masayang kwentuhan, palitan ng opinyon, rebelasyon ng mga nakaraan. Nag-akala na naman ako na ok ang lahat, kayang-kaya! Under control! Hanggang sa umabot na naman ng dis-oras ng gabi, nag-aya na kong umuwi. Pero, bago pa ko makatanggi nalagay na naman ako sa alanganin!

Akala ko lang talaga pure ang intensyon nya. Matapos ang marubdob na halik, humugot ako ng lakas na bumitaw. Ngunit ang pinaka nagpatulala talaga sa akin ay nang sabihin nyang, "ano gusto mong ituloy natin?" Ha? Akala ko ba hindi na mauulit? Akala ko ba nagkaintindihan tayo na hindi mo ko ilalagay sa alanganing sitwasyon?

Ngunit hindi pa talaga natapos dun ang lahat! Nagtangka pa din sya. Sumubok na baka hindi ko lang naiintindihan, na natatakot lang ako nung una. HINDI ko talaga kaya! Kung yung dati nakukuha kong magkasala dahil mahal ko naman ung tao, ngaun walang lugar ang pagmamahal, purong makamundo lang, purong pagnanasa!

Kaya bago kami naghiwalay sinabi kong hindi ko na kayang pumasok sa isang relasyon na makasalanan. Ayoko na talaga! Sana wag na syang magpilit, parang awa nya na! Nagkakasala ako ng dahil sa kanya, at ganon din sya sa akin.

Ngayon, gusto ko na namang lumayo sa lugar na ito. Natatakot akong maulit ulit ung nangyari. Bakit ba ganito, nagmamadali kasi akong makahanap ng lalaking hanggad kong makasama sa araw-araw, kaya din naman napapahamak ako. Magiging alipin na naman ako ng pangyayaring iyon.