Tuesday, March 30, 2010

Sa Panaginip lang...

Dinalaw ako ni Rex sa aking panaginip! Kaninang umaga, habang nag-aagaw ang antok ko at gusto gumising ng maaga, pumasok ang isang panaginip na hanggad kong mangyari kung ako'y gising.

Katatapos lang ng isang core meeting. Nakakapagtaka sapagkat ang meeting ay naganap isang dapit hapon (maaaring isang emergency meeting), sa isang lugar na pamilyar sa aking panaginip pero hindi ko matanto kung saan noong ako'y gumising na. Si ate She me dalang motor at kami ni Jojo ang sasabay sa kanya. Pero me isang lalaki dw na sumakay sa kanya kaya ang kinalabasan ay wala akong nasabayan at napilitang mag-abang ng tricycle papuntang palengke, pauwi.

Walang magpasakay sa akin! Nababagot na ako, nang, isang babae sa tabi ko ang pinarahan ng tricycle. Sa loob meron nang nakasakay. Pamilyar ang green jacket na suot. Pati na ang maong shorts! Nagdalawang isip akong tingnan kung sino dahil alam ko na kung sino sya. At nang masilip ko nga... si Rex! Nakatingin din sa akin, animo'y nagulat at naroroon ako. Ngumiti ako, nag-alangan syang ngumiti, ngunit nagdisisyong ngumiti rin. Sabi nya, "Musta ka na?" Nagkibit balikat at sinabi kong, "Ayos lang." Sa gitna ng palitan namin ng mga tanong at sagot naisip kong baka ito na ang pagkakataong hinihintay ko, gusto ko syang yayaing makapag-usap. Bago ko pa man masabi ang gusto ko, nagring ang celphone ko... si JP tumatawag!

Nagising ako, sinagot ang tawag ni JP. Matapos kaming mag-usap, pilit kong inalala bawat detalye ng aking panaginip. Pilit kong inalala kung ano ang itsura ni Rex habang kami ay nag-uusap. Pilit kong tinandaan ang pakiramdam.

Malaya na ngang talaga ako! Wala na yong pakiramdam nang panghihinayang sa nasirang relasyon. Wala na yong sakit, wala na yong pagdadamdam. Wala na yong panunumbat. Siguro ito na yong panahon na sinasabi kong darating din, ang maging magkaibigan kami. Sana nga magkita na uli kami. Gustong mameet ang anak at asawa nya. Sana pagbigyan ako ng Dyos!

Monday, March 22, 2010

seeing in a different light

How i wish that jp sees me differently! Different from his past girlfriends. Pagtingin na binibigay nya sa nanay nya, ung meroong respeto. Ung pagtinging tulad ng kay ate nya, may paghanga. At ung tinging binibigay nya sa mga kapatid nya, may pag-aaruga! Higit sa lahat yong pagtinging may nag-uumapaw na pagmamahal!

Araw-araw nagkakaroon ako ng pag-aalinlangan kung tama bang sya na nga talaga ang gusto kong makasama habang buhay. Sa simula ng relasyon, napahanga ny ako sa pagtrato nya sa kanyang pamilya. Napamahal ako sa kanya dahil sa ipinakita nyang pagpupursigi. Makailang beses na nga din bang nageffort magluto para sakin, pumarito para makita ako, at lagi-laging iexpress ang nararamdaman nya. Maslalo akong napahanga na noon sa simula pa lang nakokontento na sya sa paghawak ng kamay ko, paghalik sa pisngi ko!

Akala ko lang yata lahat ng un! Ngayon, iniisip ko kung nsaan ako nagkamali ng pakikitungo sa kanya. Saan ako nagkamali ng pagpapakita sa kanya ng pagmamahal? Para akong bata na binigyan ng lollipop at nong sarap na sarap na ako, biglang babawiin, pilit na kinuha! Wala naman akong magawa kasi binigay lang naman un! Higit p nga sa pinangako ko ang naibigay ko na! Nagtatanong tuloy ako ngayon kung sadya nga bang failing ang relasyon ko! Mali talaga ang mga desisyon ko!

Nagkalabuan na kami ngayon. Para sa kanya, wala naman kaming problema! Para sakin, nagmumura na ang katotohanang malabo na tayong magkaintindihan. Sa hindi ko malamang kadahilanan, ayaw nya akong kausapin! Ayaw nyang magpakita. Siguro, sa sitwasyong ito, ako na mismo ang gagawa ng desisyon. Wala na kaming dapat balikan! Ayaw kong mag-antay kung kelan sya magpapakita! Hindi ko kayang ihang ung sarili ko... sa wala! Ganon din naman ang patutunguhan namin eh, sa wala!

Maikli man ang naging pagsasama, panahon na para magpaalam! Ito na sana ang huli! AAyusin ko na uli ang sarili ko. Ako na lang muna uli! Marami akong pagkakasalang dapat pagbayaran sa TAAS! Panahon ko na uli! Wala na ding nawala. DUmaan na ako dito, hindi na masama kung dadaan uli ako. Pero this time sisiguruhin kong mabilis kong tatahakin ito!. Hanggang sa makita ko uli ang liwanag, d ako titigil sa paglalakad!

Thursday, March 18, 2010

...?

Ang hirap magdecide when all i've ever wanted is already right in front of me. Si JP have been constantly asking me to marry him. But its too early to tell, and obviously to say yes! Ayaw na dw nyang patagalin! At whenever he's around, i am confronted with the same problem! Katulad ng kay Rex, d naming maiwasang maging intimate. Pero ayoko na nga eh! Ayokong mapagod sa pagtulak sa kanya palayo sakin, ayokong mapagod na sabihing ayoko, o hindi pwede. sabi ko noon ung pipiliin ko ung mas mahal ang Dyos kesa sakin, pero sya ang binigay ni God. Hindi ako magtatanong kung bakit, ayoko lang isiping hindi sya pwedeng magbago. Ayokong mag-give up na hindi nya maisip na mayroong mali sa gusto nyang ipagawa sakin. At ayokong ang maging dahilan ng pag-aasawa ay upang mairaos lang ang limang minutong sarap at haharap ako sa habang buhay na maling desisyon.

hindi ko nga maibigay ang isang daang pursyentong pagmamahal para sa kanya kasi natatakot akong kapag binuksan ko ang puso ko, magiging vulnerable ako sa pain. hindi ko mapaghahandaan ang pwede nyang ibigay na sakit sa akin. minsan nagiguilty ako dahil hindi ung ang deserve ni JP galing sa akin. Sobrang bait nya, sobra din ung tingin kong pagmamahal na binibigay nya. Kadalasan nga nalulunod ako sa mga pinakikita nya sakin. Ang dami nyang plano! sa amin, sa magiging pamilya namin. minsan lang nakakalimutan nyang tanungin ako kung ok lang ba. Nakakatawa na nakakalungkot. Hindi ko maikwento ng harapan sa kanya ung nakaraan namin ni Rex, kahit na gustong gusto ko kasi umaasa ako na pagnalaman nya un maiintindahan ny kung bakit ayokong gawin ung gusto nyang gawin namin bago pa man kami ikasal. ngunit katulad pa din ako ng dati, takot na ipagdasal sa Dyos at humingi ng tulong na magbago ang pananaw ni JP sa bagay na yon, kasi baka ang isagot ng Dyos sakin ay "babang, hindi na sya magbabago!" at katulad din ng dati, magiging matigas pa din ang ulo ko, pipilitin ang gusto, pipiliting magwork out hanggang sa masaktan ng husto!

at huli na para ilapit pa sa DYos. sa kabila kasi ng kabutihan ni JP, nilalayo nya ako sa Dyos. Makailang beses ko n bang nasabi sa kanya na ayokong gawin un, pero hindi sya nakikinig. makailang beses na ba syang nagtangka. kadalasan din kasi, kasalanan ko! kasalanan ko! pinabayaan kong humantong kami sa ganoon sitwasyon. ibinaba ko ang depensa ko.

umaasam ako, lagi-lagi na maging matatag sa paniniwala ko. nagmamakaawa ako sa Poon na palakasin nya ako. Hindi naman ako nawawalan ng pag-asa, minsan lang humihinto ako, pero lalakad uli. alam ko makakayanan ko. meron naman akong pinagkatandaan, at ayaw kong sa edad ko na ito saka pa mangyayari sakin na magpakasal dahil wala ng choice, me kahihiyan naman ako.

gusto kong isambit sa Poon ito:

Dyos ko,

balutin mo po kami ng pagmamahal, ng lakas ng loob, ng takot upang hindi kami mahulog sa temtasyon ng demonyo, upang hindi kami magkasala. gawin Nyo po kaming malinis. at kung ipahihintulot NYo pong kami ang magkasama habang buhay, panalitiin Nyo po kaming malayo sa mga bagay na masasaktan kayo.

Ama, hindi po namin kaya ito kung lakas lang namin ang panghahawakan namin.

Inang Maria, lukubin Nyo po kami ng inyong awa. Kami po'y nagsusumamo.

Amen!