Tuesday, March 30, 2010

Sa Panaginip lang...

Dinalaw ako ni Rex sa aking panaginip! Kaninang umaga, habang nag-aagaw ang antok ko at gusto gumising ng maaga, pumasok ang isang panaginip na hanggad kong mangyari kung ako'y gising.

Katatapos lang ng isang core meeting. Nakakapagtaka sapagkat ang meeting ay naganap isang dapit hapon (maaaring isang emergency meeting), sa isang lugar na pamilyar sa aking panaginip pero hindi ko matanto kung saan noong ako'y gumising na. Si ate She me dalang motor at kami ni Jojo ang sasabay sa kanya. Pero me isang lalaki dw na sumakay sa kanya kaya ang kinalabasan ay wala akong nasabayan at napilitang mag-abang ng tricycle papuntang palengke, pauwi.

Walang magpasakay sa akin! Nababagot na ako, nang, isang babae sa tabi ko ang pinarahan ng tricycle. Sa loob meron nang nakasakay. Pamilyar ang green jacket na suot. Pati na ang maong shorts! Nagdalawang isip akong tingnan kung sino dahil alam ko na kung sino sya. At nang masilip ko nga... si Rex! Nakatingin din sa akin, animo'y nagulat at naroroon ako. Ngumiti ako, nag-alangan syang ngumiti, ngunit nagdisisyong ngumiti rin. Sabi nya, "Musta ka na?" Nagkibit balikat at sinabi kong, "Ayos lang." Sa gitna ng palitan namin ng mga tanong at sagot naisip kong baka ito na ang pagkakataong hinihintay ko, gusto ko syang yayaing makapag-usap. Bago ko pa man masabi ang gusto ko, nagring ang celphone ko... si JP tumatawag!

Nagising ako, sinagot ang tawag ni JP. Matapos kaming mag-usap, pilit kong inalala bawat detalye ng aking panaginip. Pilit kong inalala kung ano ang itsura ni Rex habang kami ay nag-uusap. Pilit kong tinandaan ang pakiramdam.

Malaya na ngang talaga ako! Wala na yong pakiramdam nang panghihinayang sa nasirang relasyon. Wala na yong sakit, wala na yong pagdadamdam. Wala na yong panunumbat. Siguro ito na yong panahon na sinasabi kong darating din, ang maging magkaibigan kami. Sana nga magkita na uli kami. Gustong mameet ang anak at asawa nya. Sana pagbigyan ako ng Dyos!

Monday, March 22, 2010

seeing in a different light

How i wish that jp sees me differently! Different from his past girlfriends. Pagtingin na binibigay nya sa nanay nya, ung meroong respeto. Ung pagtinging tulad ng kay ate nya, may paghanga. At ung tinging binibigay nya sa mga kapatid nya, may pag-aaruga! Higit sa lahat yong pagtinging may nag-uumapaw na pagmamahal!

Araw-araw nagkakaroon ako ng pag-aalinlangan kung tama bang sya na nga talaga ang gusto kong makasama habang buhay. Sa simula ng relasyon, napahanga ny ako sa pagtrato nya sa kanyang pamilya. Napamahal ako sa kanya dahil sa ipinakita nyang pagpupursigi. Makailang beses na nga din bang nageffort magluto para sakin, pumarito para makita ako, at lagi-laging iexpress ang nararamdaman nya. Maslalo akong napahanga na noon sa simula pa lang nakokontento na sya sa paghawak ng kamay ko, paghalik sa pisngi ko!

Akala ko lang yata lahat ng un! Ngayon, iniisip ko kung nsaan ako nagkamali ng pakikitungo sa kanya. Saan ako nagkamali ng pagpapakita sa kanya ng pagmamahal? Para akong bata na binigyan ng lollipop at nong sarap na sarap na ako, biglang babawiin, pilit na kinuha! Wala naman akong magawa kasi binigay lang naman un! Higit p nga sa pinangako ko ang naibigay ko na! Nagtatanong tuloy ako ngayon kung sadya nga bang failing ang relasyon ko! Mali talaga ang mga desisyon ko!

Nagkalabuan na kami ngayon. Para sa kanya, wala naman kaming problema! Para sakin, nagmumura na ang katotohanang malabo na tayong magkaintindihan. Sa hindi ko malamang kadahilanan, ayaw nya akong kausapin! Ayaw nyang magpakita. Siguro, sa sitwasyong ito, ako na mismo ang gagawa ng desisyon. Wala na kaming dapat balikan! Ayaw kong mag-antay kung kelan sya magpapakita! Hindi ko kayang ihang ung sarili ko... sa wala! Ganon din naman ang patutunguhan namin eh, sa wala!

Maikli man ang naging pagsasama, panahon na para magpaalam! Ito na sana ang huli! AAyusin ko na uli ang sarili ko. Ako na lang muna uli! Marami akong pagkakasalang dapat pagbayaran sa TAAS! Panahon ko na uli! Wala na ding nawala. DUmaan na ako dito, hindi na masama kung dadaan uli ako. Pero this time sisiguruhin kong mabilis kong tatahakin ito!. Hanggang sa makita ko uli ang liwanag, d ako titigil sa paglalakad!

Thursday, March 18, 2010

...?

Ang hirap magdecide when all i've ever wanted is already right in front of me. Si JP have been constantly asking me to marry him. But its too early to tell, and obviously to say yes! Ayaw na dw nyang patagalin! At whenever he's around, i am confronted with the same problem! Katulad ng kay Rex, d naming maiwasang maging intimate. Pero ayoko na nga eh! Ayokong mapagod sa pagtulak sa kanya palayo sakin, ayokong mapagod na sabihing ayoko, o hindi pwede. sabi ko noon ung pipiliin ko ung mas mahal ang Dyos kesa sakin, pero sya ang binigay ni God. Hindi ako magtatanong kung bakit, ayoko lang isiping hindi sya pwedeng magbago. Ayokong mag-give up na hindi nya maisip na mayroong mali sa gusto nyang ipagawa sakin. At ayokong ang maging dahilan ng pag-aasawa ay upang mairaos lang ang limang minutong sarap at haharap ako sa habang buhay na maling desisyon.

hindi ko nga maibigay ang isang daang pursyentong pagmamahal para sa kanya kasi natatakot akong kapag binuksan ko ang puso ko, magiging vulnerable ako sa pain. hindi ko mapaghahandaan ang pwede nyang ibigay na sakit sa akin. minsan nagiguilty ako dahil hindi ung ang deserve ni JP galing sa akin. Sobrang bait nya, sobra din ung tingin kong pagmamahal na binibigay nya. Kadalasan nga nalulunod ako sa mga pinakikita nya sakin. Ang dami nyang plano! sa amin, sa magiging pamilya namin. minsan lang nakakalimutan nyang tanungin ako kung ok lang ba. Nakakatawa na nakakalungkot. Hindi ko maikwento ng harapan sa kanya ung nakaraan namin ni Rex, kahit na gustong gusto ko kasi umaasa ako na pagnalaman nya un maiintindahan ny kung bakit ayokong gawin ung gusto nyang gawin namin bago pa man kami ikasal. ngunit katulad pa din ako ng dati, takot na ipagdasal sa Dyos at humingi ng tulong na magbago ang pananaw ni JP sa bagay na yon, kasi baka ang isagot ng Dyos sakin ay "babang, hindi na sya magbabago!" at katulad din ng dati, magiging matigas pa din ang ulo ko, pipilitin ang gusto, pipiliting magwork out hanggang sa masaktan ng husto!

at huli na para ilapit pa sa DYos. sa kabila kasi ng kabutihan ni JP, nilalayo nya ako sa Dyos. Makailang beses ko n bang nasabi sa kanya na ayokong gawin un, pero hindi sya nakikinig. makailang beses na ba syang nagtangka. kadalasan din kasi, kasalanan ko! kasalanan ko! pinabayaan kong humantong kami sa ganoon sitwasyon. ibinaba ko ang depensa ko.

umaasam ako, lagi-lagi na maging matatag sa paniniwala ko. nagmamakaawa ako sa Poon na palakasin nya ako. Hindi naman ako nawawalan ng pag-asa, minsan lang humihinto ako, pero lalakad uli. alam ko makakayanan ko. meron naman akong pinagkatandaan, at ayaw kong sa edad ko na ito saka pa mangyayari sakin na magpakasal dahil wala ng choice, me kahihiyan naman ako.

gusto kong isambit sa Poon ito:

Dyos ko,

balutin mo po kami ng pagmamahal, ng lakas ng loob, ng takot upang hindi kami mahulog sa temtasyon ng demonyo, upang hindi kami magkasala. gawin Nyo po kaming malinis. at kung ipahihintulot NYo pong kami ang magkasama habang buhay, panalitiin Nyo po kaming malayo sa mga bagay na masasaktan kayo.

Ama, hindi po namin kaya ito kung lakas lang namin ang panghahawakan namin.

Inang Maria, lukubin Nyo po kami ng inyong awa. Kami po'y nagsusumamo.

Amen!

Thursday, February 25, 2010

just a reflection

for the past three months, a dear friend of mine was in a roller coaster ride, and she is still until now.

she broke up with her boyfriend for a lame reason and until now they are still running around circles, chasing each other, deciding on nothing! a very sad fact!

to keep it more complicated, theyve tagged along a lot of people in their crazy situation.

i, in particular, has been putting my heart on her situation. along with our other close friends, we felt her pain, thus, giving her advices!

i never thought that it would come to this point where i dont want to be involve anymore because its making me crazy! one day, she's crying her heart out, saying things against the guy. the next day, she's already ok again because they are talking and seeing each other again!

i have been reflecting on her situation and mine. and this is what i end up thinking.
that, we dont have any right to put pain and anger in this body because this is not ours. this body is the temple of the holy spirit and we should not dwell on pain. if we have an opportunity to get out of pain, pray for the grace of God to help us because we are ruining our spirit, which is the spirit of the Lord living in us.

that, we put our destiny in the hands of God. we ask Him in prayer to lead us and help us decide on things that mattered to us. and as we keep on praying, wait because God has better solutions than what we hand on our hands.

that, God is the only One who can comfort us. no other man has the right to treat us with cruelty, and would cause so much pain. and if someone did caused us pain, it is only God that can take it away.

that, there are no living martyrs in this world. only a wife, a mother, can give her life to the family that she has. (but this one will stir up controversey..)

there may be lots of things that i do not understand. i do believe that time will make me understand the situation. once, long time ago, i stood up with all the beliefs that i have written above. it helped me through the pain. and it made me understand that there are more to life that what we think of. there is a bigger plan, a better future that only God knows. and i desired for that.

so to make me a good friend, i also realized that silence is sometimes the best advice i can give. no words, just understanding (though i am still in doubt), and prayers.

Monday, February 22, 2010

Kate: anong feeling?

Babang: eto laging nakangiti!

February 18, 2010!
Bago pa man nagsimula ang raw na ito, maraming beses na akong nagpabalik-balik sa adoration chapel para magdasal. Magdasal para sa aking pamilya, sa SFC, sa trabaho at higit sa lahat para sa isang malaking desisyong aking gagawin. Sampung araw ang bago ang araw na ito, sinabi ko sa Dyos na manghihingi ako ng sinyales na pwede na. Marami akong hininging sinyales sa Dyos. Una, na ay kung yayayain nya akong magsimba, ibig sabihin lang non na kaya nyang talikuran ang mga kinahihiligan nyang gawa, hindi para sa akin kundi para sa sarili nya. Pangalawa, kung aabutin sya dito sa Puerto ng hanggang Feb 20.

At dumating nga siya! At habang nandito sya umiigting ng umiigting ung pakiramdam na bakit hindi ko nga ba subukan. Nagtanong ako sa mga taong malapit sa akin at kilala rin naman sya. Sabi ng isang ate, why not take the plunge? Sabi naman nong isang, naku bang seryoso talaga yn sya, subukan mo. At ang huling taong tinanong ko ay ung taong alam kong hindi sya gusto dahil alam nya ang mga gawain nito. So iniexpect ko na negative ang sasabihin nya. Pero iba! Sabi nya, "baket hindi mo itry? Panghawakan mo at pagkatiwalan sya na hindi ka lolokohin dahil mabait din naman syang tao." Hay, kung sinabi nyang hind, maaaring iba ang desisyong ginawa ko.

At eto na nga! Gabi ng Feb 18, kinausap ko sya kung seryoso sya at kung gusto nya nga talaga akong maging kasintahan. Sabi nya, oo! So sabi ko e di, cge, ok, oo na! Hahaha!

Nawala lahat ng pag-aalinlangan! Kinabukasan pagsundo nya sakin mula sa opisina, sabi nya saglit lang me puntahan lang dw kami, dinala nya ako sa simbahan at nagsimba kami. At hanggang ngaun nandito pa sya (anong petsa na ito! ika-23 na ng perero!)

Masaya ako lalo pa't gusto nyang sa bahay kami kakain ng hapunan at manonood ng TV. Masaya ako dahil noong sabihin ko sa aking pamilya, natuwa sila para sakin. Masaya ako dahil ang mga malalapit at sobrang mahal kong mga kaibigan, masaya din para sa akin. Masaya ako kapag nginingitian nila ako na para bang binibiro. Kulang na lang nga sabihing, uyyy! Masaya ako kasi nakikita kong masaya din sya!

Mahabang paglalakbay pa ang dapat suongin para sa isa pang desisyon. Masyado pang maaga para sabihing ok na ang lahat. Sa ngaun, masaya lang muna. At sinasamahan ko din ng maraming dasal. Ung masmataimtim na dasal, para sa kanya, sa kanyang pamilya, sa amin. Sana biyayaan kami ng Poon.

kaya't aking hihiramin ang dialogue ng aking amigang si ate janis...

"Welcome to my life, Albert John Paul Q. Abiog!"

Tuesday, February 2, 2010

always wondering... :(

i, most of the time, wonder why i am in this place, in this time, in this situation. Wondering why i have a job like this, finish that degree instead of something else. dont i deserve to be someone else? or do i deserve what i have right now?

For most of my down moments, i would always complain about the little things i have in my hands. i would always question myself, why am i satisfied with this when i can have more?

i am too afraid of the big things that is suppose to be for me that's why it is not given to me. i am not a good steward of the talents or opportunities given to me that's why it is being taken away? i often times know or guess if a good thing is coming my way. but when it is getting nearer, i get so terrified that i shhoo it away! whats the matter with me?

im so confused!

Wednesday, December 16, 2009

Ano na ito! Paano nga ba?

Paano nga ba tumanggap ng manliligaw? Hay, nakakalito din pala, hindi rin pala ganon kasaya lalo na kung hindi mo gusto ang isang tao, o kaya me hinahanap ka pang karakter na wala sa kanya, o kaya me ayaw ka sa kanya. At me isang taong gusto mo sana, kaya lang nag-aalangan dahil alam mong sasaktan ka nya, dahil d sya iba sa karamihan.

For the past weeks, nasa binggit ako ng pagsagot ng oo sa isang manliligaw. Pero bago ko pa man macomprehend ng husto ang mga mangyayari, back-out agad ang drama ko! At masgulo pa nang me isang taong nagbukas ng kanyang nararamdaman.

Kung hindi naman masamang magkumpara, eto na. Si JP - gud side: mabait, sweet naman, sobrang madiskarte, sa pagkakaalam ko wala namang ibang babae, thoughful din, loving sa family, lalong lalo na sa mga kapatid. Bad side: BISYO! kailangan ko pa bang isa-isahin? well, una na dun ang sugal, (sabong!) Gosh, nahirapan p akong itype un ah! at sympre ang paminsan-minsang pag-inom. Ok lang naman sakin un, kaya lang sympre kung pwede inaman sanang wag na lang... hay...

Ok! Next boylet. Si Melvin - gud side: gwapo, mabait din naman, madiskarte din, thoughtful din, walang bisyo, at me past kami (toinks!). Bad side: maraming nilalanding babae, mahilig magstir-up ng usap-usapan.

Next boylet. Si Joseph - gud side: super bait, sweet, sya ang unang lalaking nakagaanan ko ng loob, nasasabihan ng mararamdaman, walang hiya kong naibabahagi sa kanya ang aking nakaraan! bad side: BABAERO! un na!

Last. Si Paltinca! wala, scratch na sya!!!

So, sila ba ang mga taong pagpipilian ko? Maaaring kailangan ko pang magdasal ng masmarami. Naniniwala akong darating ang taong para sakin. Sabi ko sa sarili ko isang taon pa. Hindi pa naman natatapos ang isang taon, ang totoo nga nagsisimula pa lang ito. Ayokong magmadali, baka masaktan akong muli.

So ano na? Chill lang...