Sunday, October 24, 2010

i kissed someone last night

i kissed someone last night and it was not my boyfriend!

we saw each other from a common friend's house yesterday. we were having a good time reminiscing past memories and updating each other on what's new. they were drinking, i was not... at first! but to keep things rolling, i started drinking also. i only had a few drinks when they call it a night. my closest friend was already in a mess so he wasn't able to bring me home, i have no other choice but to let this other guy bring me home.

while on the road he was very persistent to get even with what i told everybody, that he was slow! he wants to prove that he's not that slow in making a score on me. i didn't let him bring me to some place!

and so we talked about what had happened between us. for the first time he was very open telling me what he feels about me. he said the "L" word many times. he also missed me! in my mind i know that its too late for that. i've been waiting for him to tell me that but it didn't come, and so i know that nothing will ever change my mind into knowing that its too late.

before we part ways, he said that he love me again and as is he was waiting for me to answer him back. when he didnt hear anything from me he asked if he could kiss me goodbye! i said no, and he insisted. and for a moment i thought, what the heck, its just a kiss on a cheek. but his kiss landed on my lips! and im kissing back! OMG, No!

the kiss! the kiss was very soft, not provoking! his hands clasp my face, mine was holding him too! it was so soft that i think i want more! my heart was beating slow and smooth as if i am so comfortable kissing this person. and i miss that kind of kiss, so much that i could not forget about it. till we said our goodbyes and good nights the kiss was the last thing on my mind.

then i woke up in the middle of the night, realizing that... it was just a dream!

Saturday, October 16, 2010

paranoid

i have this very weird feeling that someone is stabbing my back! i am imagining this person to be saying her feelings to other persons making me look bad! i just hope that my instinct is wrong!

Thursday, June 17, 2010

single! again???!!!

Hunyo 18, ika apat na buwan nang dapat ay pagdiriwang ng isang relasyong ipinagdasal at pinag-isipang mabuti. Ngunit sa halip na pagdiriwang, bago pa man dumating ang araw na ito ay pinagpasyahan ko nang makipaghiwalay sa kanya! Napagtanto kong hindi ako masaya! Sa aking pagmumuni-muni, isa-isa kong inalam sa aking sarili kung hanggang saan, hanggang kailan ako magkukunwaring kuntento ako.

Unang buwan, puros pagmamahal at ngiti ang namumutawi sa aking pagkatao. Madalas nyang sabihing ako na ang magiging katuwang nya habang buhay. Madalas din ang pagyaya nya sakin ng kasal. Di ko inalintana ang mga mumunting agam-agam sa aking puso. Basta naniniwala akong sya'y biyaya galing sa Dyos at tama ang aking pasyang bigyan sya ng pagkakataong maging parte ng aking buhay.

Ikalawang buwan, naging mailap sa amin ang pagkikita dahil sa kinailangan nyang gampanan ang responsibilidad nya sa kanyang pamilya. Ngunit hindi sya nagkulang sa pagpapaalala sa akin ng kanyang pag-ibig! At dahil nga sa kanyang sitwasyon, binigyan ko sya ng kalayaang makipaghalubilo sa mga kaibigan kasama na ang pag-inom bilang bahagi ng kasiyahan. Hindi ako naghigpit ngunit hindi ako tumigil sa pagbibigay paalala sa kanya.

Ikatlong buwan, dumami ang mga agam-agam sa aking puso! Maraming mga pangako ang napako sa kagustuhang mapunuan ang mga panahong hindi nagkita. Ngunit ito rin ang naging dahilan kung bakit hindi naging panatag ang aking puso. Makailang beses akong nagtangkang makipaghiwalay para tapusin ang kasalanang aming kinasangkutan. Pilit kong ipinaunawa sa kanya ang aming pagkakamali ngunit nagbingi-bingihan sya. Naniniwala syang doon din naman ang aming kahahantungan kaya walang masama sa aming nagawa.

Naging matabang ako sa pakikitungo sa kanya, naging masmatabang sya! Wala na ang mga pagpapahayag nya kung gaano nya ako kamahal, wala na ang mga tawag sa telepono para lang maibsan ang pangungulila. Wala na!

Naisip kong marahil ay malaki ang naging epekto ng pakikipaghiwalay ko sa kanya. Binigyan ko ng isa pang pagkakaton ang aming relasyon. Araw-araw sinasabi kong mahal ko sya, araw-araw sinasabi ko sa sarili kong mahal ko sya. Higit sa isang beses sa isang araw pinararamdam ko sa kanya n importante sya sa akin.... pero nanatili syang matabang! Nabuhay muli ang aking mga pangamba! Masmarami! Masnakakatakot! Pinapatay nya ang katiting na pag-asa sa puso ko na kaya naming malagpasan ang pagsubok na ito. Hanggang sa ayoko na! Hindi na ako masaya! Walang kapayapaan ang puso't isip ko. Hindi ko na kayang magbigay ng pagmamahal. Huminto na lang ang puso ko sa pagtibok para sa kanya! Ayokong umiyak! Wala naman talagang luhang nagtangkang tumulo. Marahil dahil hindi naman talaga ako nakaramdam ng sobrang pagmamahal sa kanya kung kayat hindi na nakuha pa ng aking mga matang lumuha.

Ngayon, isang bagay lang ang nagagalak akong balik-balikan. Naging madasalin ako! Ang pinakaimportanteng natutunan ko sa paglalakbay na ito na kasama sya. Ang nag-iisang sandatang nagpatibay sa akin para makapagdesisyon na! Kayat kung sa ikalawang pagkakataon ay bigo ako, ok lang! Hindi naman ako nabigong matutunan ang dapat kong matutunan!

Tuesday, May 4, 2010

im back to where i started... point ZERO!

one of the springs that kept me jumping out of my past relationship is the desire to stop being involve in sex. giving up that person that i loved the most is the most difficult discision i have to make. and looking back, that is also the part which hurt me the most.

this makes me so mad at myself because i vowed not to do it again! i am just so weak and stupid to fall into the trap, over and over again! i asked for love, pero si jp ang alam nya lang na love mababaw. ang hirap ipaintindi sa kanya na kasama dun ung respeto at pang-unawa at pagtitiis. i could not count the times when i ask him for us to part ways dahil di ako masaya ng kailangan kong mamili between my love for him at sa pagsunod kung ano ung tama. Nahaheart broken ako if hindi ko sya mapagbigyan (though i know na hindi ko p naman responsibility un) pero kinakain ako ng guilt ko knowing na nasaktan ko na naman ang Dyos ko!

sa aking palagay, isang sagot lang ang tama, get out of the relationship! magiging unfair ba ako kay jp kung ganon? ewan ko. it seems na nagsawa na din sya sa kakatanong kung baket kelangan naming maghiwalay. hindi ko lang kasi magets kung baket hindi nya magets! o sadyang ayaw nyang intindihin! ngayon, hindi ko alam kung nagkataon lang pero hindi nya na ako masyadong kinakausap. dapat nga sa aming dalawa ako ang nagtatampo, dapat nga sa aming dalawa ako ang nagagalit. masmarami p syang panahon sa iba nyang kaibigan.

kung magkakaganito lang din uli ako, sana kunin n lang sya sa akin. maghiwalay na lang kami. i dont feel respected and understood. i cant feel the passion or even intimacy. wala ba yong sincerity sa pagsabi ng i love you. naguguluhan ako! badtrip!

Tuesday, March 30, 2010

Sa Panaginip lang...

Dinalaw ako ni Rex sa aking panaginip! Kaninang umaga, habang nag-aagaw ang antok ko at gusto gumising ng maaga, pumasok ang isang panaginip na hanggad kong mangyari kung ako'y gising.

Katatapos lang ng isang core meeting. Nakakapagtaka sapagkat ang meeting ay naganap isang dapit hapon (maaaring isang emergency meeting), sa isang lugar na pamilyar sa aking panaginip pero hindi ko matanto kung saan noong ako'y gumising na. Si ate She me dalang motor at kami ni Jojo ang sasabay sa kanya. Pero me isang lalaki dw na sumakay sa kanya kaya ang kinalabasan ay wala akong nasabayan at napilitang mag-abang ng tricycle papuntang palengke, pauwi.

Walang magpasakay sa akin! Nababagot na ako, nang, isang babae sa tabi ko ang pinarahan ng tricycle. Sa loob meron nang nakasakay. Pamilyar ang green jacket na suot. Pati na ang maong shorts! Nagdalawang isip akong tingnan kung sino dahil alam ko na kung sino sya. At nang masilip ko nga... si Rex! Nakatingin din sa akin, animo'y nagulat at naroroon ako. Ngumiti ako, nag-alangan syang ngumiti, ngunit nagdisisyong ngumiti rin. Sabi nya, "Musta ka na?" Nagkibit balikat at sinabi kong, "Ayos lang." Sa gitna ng palitan namin ng mga tanong at sagot naisip kong baka ito na ang pagkakataong hinihintay ko, gusto ko syang yayaing makapag-usap. Bago ko pa man masabi ang gusto ko, nagring ang celphone ko... si JP tumatawag!

Nagising ako, sinagot ang tawag ni JP. Matapos kaming mag-usap, pilit kong inalala bawat detalye ng aking panaginip. Pilit kong inalala kung ano ang itsura ni Rex habang kami ay nag-uusap. Pilit kong tinandaan ang pakiramdam.

Malaya na ngang talaga ako! Wala na yong pakiramdam nang panghihinayang sa nasirang relasyon. Wala na yong sakit, wala na yong pagdadamdam. Wala na yong panunumbat. Siguro ito na yong panahon na sinasabi kong darating din, ang maging magkaibigan kami. Sana nga magkita na uli kami. Gustong mameet ang anak at asawa nya. Sana pagbigyan ako ng Dyos!

Monday, March 22, 2010

seeing in a different light

How i wish that jp sees me differently! Different from his past girlfriends. Pagtingin na binibigay nya sa nanay nya, ung meroong respeto. Ung pagtinging tulad ng kay ate nya, may paghanga. At ung tinging binibigay nya sa mga kapatid nya, may pag-aaruga! Higit sa lahat yong pagtinging may nag-uumapaw na pagmamahal!

Araw-araw nagkakaroon ako ng pag-aalinlangan kung tama bang sya na nga talaga ang gusto kong makasama habang buhay. Sa simula ng relasyon, napahanga ny ako sa pagtrato nya sa kanyang pamilya. Napamahal ako sa kanya dahil sa ipinakita nyang pagpupursigi. Makailang beses na nga din bang nageffort magluto para sakin, pumarito para makita ako, at lagi-laging iexpress ang nararamdaman nya. Maslalo akong napahanga na noon sa simula pa lang nakokontento na sya sa paghawak ng kamay ko, paghalik sa pisngi ko!

Akala ko lang yata lahat ng un! Ngayon, iniisip ko kung nsaan ako nagkamali ng pakikitungo sa kanya. Saan ako nagkamali ng pagpapakita sa kanya ng pagmamahal? Para akong bata na binigyan ng lollipop at nong sarap na sarap na ako, biglang babawiin, pilit na kinuha! Wala naman akong magawa kasi binigay lang naman un! Higit p nga sa pinangako ko ang naibigay ko na! Nagtatanong tuloy ako ngayon kung sadya nga bang failing ang relasyon ko! Mali talaga ang mga desisyon ko!

Nagkalabuan na kami ngayon. Para sa kanya, wala naman kaming problema! Para sakin, nagmumura na ang katotohanang malabo na tayong magkaintindihan. Sa hindi ko malamang kadahilanan, ayaw nya akong kausapin! Ayaw nyang magpakita. Siguro, sa sitwasyong ito, ako na mismo ang gagawa ng desisyon. Wala na kaming dapat balikan! Ayaw kong mag-antay kung kelan sya magpapakita! Hindi ko kayang ihang ung sarili ko... sa wala! Ganon din naman ang patutunguhan namin eh, sa wala!

Maikli man ang naging pagsasama, panahon na para magpaalam! Ito na sana ang huli! AAyusin ko na uli ang sarili ko. Ako na lang muna uli! Marami akong pagkakasalang dapat pagbayaran sa TAAS! Panahon ko na uli! Wala na ding nawala. DUmaan na ako dito, hindi na masama kung dadaan uli ako. Pero this time sisiguruhin kong mabilis kong tatahakin ito!. Hanggang sa makita ko uli ang liwanag, d ako titigil sa paglalakad!

Thursday, March 18, 2010

...?

Ang hirap magdecide when all i've ever wanted is already right in front of me. Si JP have been constantly asking me to marry him. But its too early to tell, and obviously to say yes! Ayaw na dw nyang patagalin! At whenever he's around, i am confronted with the same problem! Katulad ng kay Rex, d naming maiwasang maging intimate. Pero ayoko na nga eh! Ayokong mapagod sa pagtulak sa kanya palayo sakin, ayokong mapagod na sabihing ayoko, o hindi pwede. sabi ko noon ung pipiliin ko ung mas mahal ang Dyos kesa sakin, pero sya ang binigay ni God. Hindi ako magtatanong kung bakit, ayoko lang isiping hindi sya pwedeng magbago. Ayokong mag-give up na hindi nya maisip na mayroong mali sa gusto nyang ipagawa sakin. At ayokong ang maging dahilan ng pag-aasawa ay upang mairaos lang ang limang minutong sarap at haharap ako sa habang buhay na maling desisyon.

hindi ko nga maibigay ang isang daang pursyentong pagmamahal para sa kanya kasi natatakot akong kapag binuksan ko ang puso ko, magiging vulnerable ako sa pain. hindi ko mapaghahandaan ang pwede nyang ibigay na sakit sa akin. minsan nagiguilty ako dahil hindi ung ang deserve ni JP galing sa akin. Sobrang bait nya, sobra din ung tingin kong pagmamahal na binibigay nya. Kadalasan nga nalulunod ako sa mga pinakikita nya sakin. Ang dami nyang plano! sa amin, sa magiging pamilya namin. minsan lang nakakalimutan nyang tanungin ako kung ok lang ba. Nakakatawa na nakakalungkot. Hindi ko maikwento ng harapan sa kanya ung nakaraan namin ni Rex, kahit na gustong gusto ko kasi umaasa ako na pagnalaman nya un maiintindahan ny kung bakit ayokong gawin ung gusto nyang gawin namin bago pa man kami ikasal. ngunit katulad pa din ako ng dati, takot na ipagdasal sa Dyos at humingi ng tulong na magbago ang pananaw ni JP sa bagay na yon, kasi baka ang isagot ng Dyos sakin ay "babang, hindi na sya magbabago!" at katulad din ng dati, magiging matigas pa din ang ulo ko, pipilitin ang gusto, pipiliting magwork out hanggang sa masaktan ng husto!

at huli na para ilapit pa sa DYos. sa kabila kasi ng kabutihan ni JP, nilalayo nya ako sa Dyos. Makailang beses ko n bang nasabi sa kanya na ayokong gawin un, pero hindi sya nakikinig. makailang beses na ba syang nagtangka. kadalasan din kasi, kasalanan ko! kasalanan ko! pinabayaan kong humantong kami sa ganoon sitwasyon. ibinaba ko ang depensa ko.

umaasam ako, lagi-lagi na maging matatag sa paniniwala ko. nagmamakaawa ako sa Poon na palakasin nya ako. Hindi naman ako nawawalan ng pag-asa, minsan lang humihinto ako, pero lalakad uli. alam ko makakayanan ko. meron naman akong pinagkatandaan, at ayaw kong sa edad ko na ito saka pa mangyayari sakin na magpakasal dahil wala ng choice, me kahihiyan naman ako.

gusto kong isambit sa Poon ito:

Dyos ko,

balutin mo po kami ng pagmamahal, ng lakas ng loob, ng takot upang hindi kami mahulog sa temtasyon ng demonyo, upang hindi kami magkasala. gawin Nyo po kaming malinis. at kung ipahihintulot NYo pong kami ang magkasama habang buhay, panalitiin Nyo po kaming malayo sa mga bagay na masasaktan kayo.

Ama, hindi po namin kaya ito kung lakas lang namin ang panghahawakan namin.

Inang Maria, lukubin Nyo po kami ng inyong awa. Kami po'y nagsusumamo.

Amen!