Monday, September 24, 2018

Makita ang luna

Gusto kong makita ang luna. 
Matagal na, medyo matagal na ding panahon na hindi ko nasisilayan ang luna
Buo, malaki, ang sikat ay yaring tulad ng sa araw
Paano nga ba masisilayan ito kung sa gitna ng lugar na ito ay nagniningning at nababaga ang mga ilaw na bumubulag sa aking mga mata.
Halin tulad  nang pagkabulag ko sa mga bagay na hindi importante.
Tulad ng pagkamangha ko sa mga apoy na aandap andap.
Na sa pagdating ng umaga ito'y maglalaho, papatayin at mawawalan na ng silbi.
Malayo sa luna na aking tinatangi.
Ito'y hindi nawawalan ng ilaw.
Bagaman sa pagdating ng umaga ay hindi na ito masisilayan, alam kong nandyan lamang ito, magbibigay daan upang  masilayan ko din ang pagsikat ng araw. 
O aking luna, hinahanap hanap kita.