Monday, February 22, 2010

Kate: anong feeling?

Babang: eto laging nakangiti!

February 18, 2010!
Bago pa man nagsimula ang raw na ito, maraming beses na akong nagpabalik-balik sa adoration chapel para magdasal. Magdasal para sa aking pamilya, sa SFC, sa trabaho at higit sa lahat para sa isang malaking desisyong aking gagawin. Sampung araw ang bago ang araw na ito, sinabi ko sa Dyos na manghihingi ako ng sinyales na pwede na. Marami akong hininging sinyales sa Dyos. Una, na ay kung yayayain nya akong magsimba, ibig sabihin lang non na kaya nyang talikuran ang mga kinahihiligan nyang gawa, hindi para sa akin kundi para sa sarili nya. Pangalawa, kung aabutin sya dito sa Puerto ng hanggang Feb 20.

At dumating nga siya! At habang nandito sya umiigting ng umiigting ung pakiramdam na bakit hindi ko nga ba subukan. Nagtanong ako sa mga taong malapit sa akin at kilala rin naman sya. Sabi ng isang ate, why not take the plunge? Sabi naman nong isang, naku bang seryoso talaga yn sya, subukan mo. At ang huling taong tinanong ko ay ung taong alam kong hindi sya gusto dahil alam nya ang mga gawain nito. So iniexpect ko na negative ang sasabihin nya. Pero iba! Sabi nya, "baket hindi mo itry? Panghawakan mo at pagkatiwalan sya na hindi ka lolokohin dahil mabait din naman syang tao." Hay, kung sinabi nyang hind, maaaring iba ang desisyong ginawa ko.

At eto na nga! Gabi ng Feb 18, kinausap ko sya kung seryoso sya at kung gusto nya nga talaga akong maging kasintahan. Sabi nya, oo! So sabi ko e di, cge, ok, oo na! Hahaha!

Nawala lahat ng pag-aalinlangan! Kinabukasan pagsundo nya sakin mula sa opisina, sabi nya saglit lang me puntahan lang dw kami, dinala nya ako sa simbahan at nagsimba kami. At hanggang ngaun nandito pa sya (anong petsa na ito! ika-23 na ng perero!)

Masaya ako lalo pa't gusto nyang sa bahay kami kakain ng hapunan at manonood ng TV. Masaya ako dahil noong sabihin ko sa aking pamilya, natuwa sila para sakin. Masaya ako dahil ang mga malalapit at sobrang mahal kong mga kaibigan, masaya din para sa akin. Masaya ako kapag nginingitian nila ako na para bang binibiro. Kulang na lang nga sabihing, uyyy! Masaya ako kasi nakikita kong masaya din sya!

Mahabang paglalakbay pa ang dapat suongin para sa isa pang desisyon. Masyado pang maaga para sabihing ok na ang lahat. Sa ngaun, masaya lang muna. At sinasamahan ko din ng maraming dasal. Ung masmataimtim na dasal, para sa kanya, sa kanyang pamilya, sa amin. Sana biyayaan kami ng Poon.

kaya't aking hihiramin ang dialogue ng aking amigang si ate janis...

"Welcome to my life, Albert John Paul Q. Abiog!"

No comments:

Post a Comment