Wednesday, August 19, 2009

para kay jose rizal II

Sinabi mong ibibigay mo ang puso mo sa akin, nagbuwis ng panahon para makasama lamang ako, nagwaldas ng kayamanan mapakinggan lang ako. Ngunit ang lahat ng pinakita mo'y kathang-isip lamang. Dinala mo ako sa isang panaginip, panaginip na akala ko katuparan ng bawat oras ng pagkagising.

Sa tuwing masasaktan ka, sa aking mga bisig ko ika'y kumukuha ng lakas. Sa tuwing nalulungkot ka, tinig ko ang yong hinahanap. At sa tuwing ika'y nag-iisa, pag-aaruga ko ang iyong kapiling.

Sa bawat araw na kasama ka lubos ang galak na nadarama. Kung pwede lang sana huminto ang pag-ikot ng oras, di na bumaba ang araw sa pagsikat, di na matapos ang ung mga yakap.

Subalit, tinatawag ka ng yong nakaraan. Pag-ibig mong hindi makalimutan. Ang tinig nya'y sya pa ring himig na nagbibigay ngiti sa 'yong mga labi, nagpapakabog ng ung puso, nagpapatuliro sa 'yong isip. Kahit lubos na pasakit ang dala ng kanyang mga alaala, patuloy ang paggunita mo. Sinusuong ang madilim na nakalipas masumpungan lang ang kanyang pagsuyo. At kapag nagising ka na, malalaman mong ang lahat ay pawang mga gunita na lamang ng yong nakalipas. Babalik ang yong kalungkutan kasabay ng pagbalik mo sa aking piling.

Paano kung iniibig na kita ngunit ang nais mo lang ay isang kasama? Paano kung hindi ko na kayang makita kang malungkot, ngunit hindi pa rin ako ang makapagbigay sayo ng lubos na kaligayahan?

Ah.. ako'y magmamahal na lamang ng tahimik. Lulubusin ang mga sandaling ikaw ay kapiling. Makukuntento sa kapirasong pagtinging iniuukol mo para sa akin. Isang kaibigan, yan lamang ang magiging parte ko sa puso mong hindi magiging akin.

2 comments: